Consensus statements (Filipino)

Light for Public Health Initiative

Authors
Affiliations

Gayline Jr. Manalang

University of the Philippines Manila

Isaiah J. Ting

University of Kent, UK

Terence Al Abaquita

University of Mindanao

Published

2025년 11월 19일

Doi
Note 

Mahahalagang mensahe

  • Ang liwanag ay isang malakas na hudyat para sa katawan sapagkat naaapektuhan nito ang ating mga ritmong circadian, tulog, kalooban, at pagganang kognitibo.

  • Hindi lang ito tungkol sa kung gaano kaliwanag ang ilaw: mahalaga rin kung kailan at anong uri ng liwanag.

  • Ang liwanag ng araw sa umaga at sa maghapon ay sumusuporta sa mga aspetong pangkalusugan, samantalang ang liwanag sa gabi ay maaaring makagambala.

  • Ang mabababang antas ng liwanag sa gabi at ang kadiliman habang natutulog ay bahagi ng makakalusugang ritmo ng liwanag at dilim.

  • Ang pamamahala sa pagkalantad sa liwanag ay bahagi ng isang makakalusugang pamumuhay, tulad ng diyeta, ehersisyo, at makakalusugang pagtulog (sleep hygiene).

Liwanag at ispektro (1-6)

Ang liwanag ay maaaring isalarawan sa pamamagitan ng ispektro nito: ang dami ng enerhiya sa bawat wavelength sa kabuuan ng nakikitang ispektro (mga 380 hanggang 780 nm).

Numero: 1

Pinapasimpleng pahayag

Ang puting liwanag ay gawa sa maraming mga wavelength, na nakikita natin bilang mga kulay.

Impormasyong kontekstuwal

Kapag tayo ay nakakakita ng mga iba’t ibang kulay, ang nakikita talaga natin ay mga iba’t ibang wavelength ng liwanag. Ang mga maiiksing wavelength ay nakikitang kulay lila, samantalang ang mga mahahabang wavelength ay nakikitang indigo, asul, berde, dilaw, kahel, at pula.

Mga sanggunian

CIE. (2020). ILV: International Lighting Vocabulary. CIE Central Bureau.

Boyce, P. R. (2014). Human factors in lighting (3rd ed.). CRC Press, Taylor & Francis Group.

Ang tularan ng ating pagkalantad sa liwanag sa kabuuan ng araw at ng taon ay maaaring medyo kumplikado, at nakadepende ito sa ating lokasyon at mga gawain.

Numero: 2

Pinapasimpleng pahayag

Ang dami ng liwanag sa paligid natin (o ang dami ng ating pagkalantad sa liwanag) ay nagbabago habang lumilipat tayo sa panloob at panlabas na mga espasyo, sa buong maghapon, at sa pagpapalit ng mga panahon.

Impormasyong kontekstuwal

Ang liwanag mula sa araw ay tumataas mula madaling-araw hanggang katanghalian at bumababa sa gabi. Depende sa lokasyon, lubhang malaki ang pagkakaiba ng dami ng liwanag sa maghapon sa pagitan ng tag-init at taglamig.

Mga sanggunian

Webler, F. S., Spitschan, M., Foster, R. G., Andersen, M., & Peirson, S. N. (2019). What is the ‘spectral diet’ of humans? Curr Opin Behav Sci, 30, 80-86.

Ang pagkalantad sa liwanag ay maaaring isalarawan sa pamamagitan ng intensity nito: ang kabuuang enerhiya sa lahat ng wavelength mula 380 hanggang 780 nm, na tinimbang ayon sa paggana na pinag-iinteresan.

Numero: 3

Pinapasimpleng pahayag

Masusukat natin ang pagkalantad sa liwanag sa pagtatasa ng kung gaano katindi ang liwanag sa iba’t ibang wavelength.

Impormasyong kontekstuwal

Maaaring ilarawan ang pinagmumulan ng liwanag sa pamamagitan ng pagtukoy sa lakas na ibinubuga nito sa bawat wavelength. Ang lakas na ito ay tinatawag na intensity. Ang mga pisiko ay nagsusukat ng intensity, samantalang pinag-aaralan ng mga siyentistang biyolohikal at sikolohikal kung paano nakaaapekto ang intensity sa iba’t ibang proseso.

Mga sanggunian

CIE. (2014). CIE TN 002:2014: Relating photochemical and photobiological quantities to photometric quantities. CIE Central Bureau.

Ang liwanag ng araw ay may tinatawag nating malawak na ispektro, na may maraming enerhiya sa maraming wavelength.

Numero: 4

Pinapasimpleng pahayag

Ang liwanag ng araw ay may malawak na hanay ng enerhiya sa saklaw ng maraming mga wavelength - ito ay maaaring hatiin sa iba’t ibang mga kulay ng bahaghari.

Impormasyong kontekstuwal

Ang liwanag ng araw, na kumbinasyon ng direktang sikat ng araw at nakakalat na liwanag ng langit, ay naglalaman ng lahat ng nakikitang wavelength at higit pa. Nagbabago ang komposisyon ng wavelength ayon sa oras ng araw at kondisyon ng panahon. Binabago ng pagbabagong ito ang nakikitang kulay ng liwanag ng araw.

Mga sanggunian

Boyce, P. R. (2014). Human factors in lighting (3rd ed.). CRC Press, Taylor & Francis Group.

Ang iba’t ibang dekuryenteng pinagmumulan ng liwanag (hal., LED o mga fluorescent lamp, atbp.) ay may magkakaibang ispektro.

Numero: 5

Pinapasimpleng pahayag

Ang iba’t ibang pinagmumulan ng liwanag ay namumuo ng liwanag sa magkakaibang paraan, na nagbubunga ng mga natatanging wavelength o kulay.

Impormasyong kontekstuwal

Ang iba’t ibang teknolohiya ng pinagmumulan ng liwanag ay gumagamit ng iba’t ibang materyal upang gawing liwanag ang kuryente. Dahil sa pagkakaiba ng materyal, nagkakaiba rin kung paano kumakalat ang lakas ng liwanag sa iba’t ibang wavelength. Ang pagkalat ng liwanag sa iba’t ibang wavelength ay tinatawag na spectral distribution.

Mga sanggunian

Pattison, P. M., Tsao, J. Y., Brainard, G. C., & Bugbee, B. (2018). LEDs for photons, physiology and food. Nature, 563(7732), 493-500.

DiLaura, D. L., Houser, K. W., Mistrick, R. G., & Steffy, G. R. (2011). The lighting handbook. Illuminating Engineering Society of North America.

Ang mga katangian ng liwanag ng araw (ispektro, intensity, at spatial distribution) ay nag-iiba sa maghapon at sa buong taon, at habang nagbabago ang panahon.

Numero: 6

Pinapasimpleng pahayag

Ang kulay, intensity, at tularan ng liwanag ng araw ay nagbabago sa maghapon, kasabay ng kapanahunan, at panahon.

Impormasyong kontekstuwal

Habang naglalakbay ang liwanag ng araw sa atmospera, mas kumakalat ang liwanag na asul kaysa sa iba pang mga wavelength. Kaya nagmumukhang asul ang langit.

Mga sanggunian

DiLaura, D. L., Houser, K. W., Mistrick, R. G., & Steffy, G. R. (2011). The lighting handbook. Illuminating Engineering Society of North America.

Lynch, D. K., & Livingston, W. (2001). Color and light in nature (2nd ed.). Cambridge University Press.

Woelders, T., Wams, E. J., Gordijn, M. C. M., Beersma, D. G. M., & Hut, R. A. (2018). Integration of color and intensity increases time signal stability for the human circadian system when sunlight is obscured by clouds. Sci Rep, 8(1), 15214. https://doi.org/10.1038/s41598-018-33606-5

Spitschan, M., Aguirre, G. K., Brainard, D. H., & Sweeney, A. M. (2016). Variation of outdoor illumination as a function of solar elevation and light pollution. Sci Rep, 6, 26756. https://doi.org/10.1038/srep26756

Mga photoreceptor ng tao (7-9)

Ang mata ng tao ay may taglay na retina, na may ilang selyulang photosensitive na magkakaiba ang pagtugon sa mga iba’t ibang wavelength.

Numero: 7

Pinapasimpleng pahayag

Sa mata, ang retina ay may taglay na mga selyula na nagpapahintulot sa atin na makamalas ng mga iba’t ibang kulay.

Impormasyong kontekstuwal

Sa mata ng tao, naglalaman ang retina ng mga selyulang sensitibo sa liwanag na nagpapabago sa liwanag par maging mga hudyat sa utak. Ang mga selyulang ito ay tinatawag na cone, rod, at intrinsically photosensitive retinal ganglion cells (ipRGCs)26,27.

Mga sanggunian

Lucas, R. J., Peirson, S. N., Berson, D. M., Brown, T. M., Cooper, H. M., Czeisler, C. A., Figueiro, M. G., Gamlin, P. D., Lockley, S. W., O’Hagan, J. B., Price, L. L., Provencio, I., Skene, D. J., & Brainard, G. C. (2014). Measuring and using light in the melanopsin age. Trends Neurosci, 37(1), 1-9.

Kolb, H. (2005). Photoreceptors. In H. Kolb, E. Fernandez, B. Jones, & R. Nelson (Eds.), Webvision: The Organization of the Retina and Visual System. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/21413389

Ang mga cone ay nagpapahintulot sa atin na makakita ng kulay, galaw at detalyeng spatial sa mga kundisyon ng maliwanag na ilaw.

Numero: 8

Pinapasimpleng pahayag

Ang mga selyulang cone ay tumutulong sa atin na makakita ng mga kulay, galaw, at bagay sa maliwanag na ilaw.

Impormasyong kontekstuwal

Ang mga cone ay espesyalisadong selyula sa retina. Pinangalanan sila batay sa kanilang hugis (kung paano sila lumilitaw sa ilalim ng microscope). Pinakamataas ang densidad ng mga cone sa fovea (sa gitna ng retina).

Mga sanggunian

Stockman, A. (2019). Cone fundamentals and CIE standards. Current Opinion in Behavioral Sciences, 30, 87-93.

Brainard, D. H. (2019). Color, pattern, and the retinal cone mosaic. Curr Opin Behav Sci, 30, 41-47.

Ang mga rod ay nagpapahintulot sa atin na makakita ng panimulang spatial na detalye sa ilalim ng malamlam na liwanag.

Numero: 9

Pinapasimpleng pahayag

Ang mga selyulang rods ay nakatutulong sa atin na makakita ang mga hugis at detalye sa malamlam na liwanag.

Impormasyong kontekstuwal

Ang mga rods ay lubhang sensitibo sa mga mahihinang antas ng liwanag. Mahalaga ang mga ito para sa paningin sa gabi.

Mga sanggunian

Fu, Y. (2018). Phototransduction in rods and cones. In H. Kolb, E. Fernandez, B. Jones, & R. Nelson (Eds.), Webvision: The Organization of the Retina and Visual System.

Kolb, H. (2009). Circuitry for rod signals through the retina. In H. Kolb, E. Fernandez, B. Jones, & R. Nelson (Eds.), Webvision: The Organization of the Retina and Visual System.

Mga epekto ng liwanag na hindi biswal (10-20)

Ang mga intrinsically photosensitive retinal ganglion cells (ipRGCs) ay ginagawang mga hudyat ang liwanag na nakaaapekto sa maraming pagganang pisyolohikal.

Numero: 10

Pinapasimpleng pahayag

Kapag nakakakita ng liwanag ang mga ipRGCs, nagpapadala sila ng mga hudyat sa utak upang isaayos ang iba’t ibang pagganang pisyolohikal.

Impormasyong kontekstuwal

Ang mga ipRGCs ay nagpapadala ng mga hudyat na elektrikal sa mga rehiyon ng utak na kumokontrol sa siklong tulog-gising, pagkaalerto, at kalooban.

Mga sanggunian

Lucas, R. J., Peirson, S. N., Berson, D. M., Brown, T. M., Cooper, H. M., Czeisler, C. A., Figueiro, M. G., Gamlin, P. D., Lockley, S. W., O’Hagan, J. B., Price, L. L., Provencio, I., Skene, D. J., & Brainard, G. C. (2014). Measuring and using light in the melanopsin age. Trends Neurosci, 37(1), 1-9.

Spitschan, M. (2019). Melanopsin contributions to non-visual and visual function. Curr Opin Behav Sci, 30, 67-72.

Lucas, R. J., Lall, G. S., Allen, A. E., & Brown, T. M. (2012). How rod, cone, and melanopsin photoreceptors come together to enlighten the mammalian circadian clock. Prog Brain Res, 199, 1-18. https://doi.org/10.1016/B978-0-444-59427-3.00001-0

Malimit sa pamamagitan ng mga ipRGC, ang liwanag ay sumusupil sa sekresyon ng melatonin sa dapithapon at sa gabi.

Numero: 11

Pinapasimpleng pahayag

Hinahadlangan ng liwanag ang produksiyon ng melatonin (isang hormon na nagreregula sa siklong tulog-gising), lalo na sa dapithapon at sa gabi.

Impormasyong kontekstuwal

Ang mga ipRGCs ay naglalabas ng melanopsin (isang protinang sensitibo sa liwanag). Kapag nakakatukoy ang mga ipRGCs ng maliwanag na ilaw, naaktiba ang melanopsin. Ang pag-aktibang ito ay nagpapasimula ng isang landas na neural na humahadlang sa produksiyon ng melatonin sa glandulang pineal.

Mga sanggunian

Brown, T. M. (2020). Melanopic illuminance defines the magnitude of human circadian light responses under a wide range of conditions. J Pineal Res, 69(1), e12655.

Prayag, A. S., Najjar, R. P., & Gronfier, C. (2019). Melatonin suppression is exquisitely sensitive to light and primarily driven by melanopsin in humans. J Pineal Res, 66(4), e12562.

Giménez MC, Stefani O, Cajochen C, Lang D, Deuring G, Schlangen LJM. Predicting melatonin suppression by light in humans: Unifying photoreceptor-based equivalent daylight illuminances, spectral composition, timing and duration of light exposure. J Pineal Res. 2022; 72:e12786.

Ang liwanag ang pangunahing hudyat na tinitiyak na ang sistemang circadian ay nakaayon sa mga 24-oras na siklo sa kapaligiran.

Numero: 12

Pinapasimpleng pahayag

Ang liwanag ang pangunahing hudyat na isinasabay ang panloob na orasan ng katawan sa siklong araw-gabi ng araw.

Impormasyong kontekstuwal

Tumutulong ang liwanag sa regulasyon ng mga panloob na ritmo ng katawan. Tinitiyak nito na ang mga prosesong biyolohikal ay nagsisimula at nagtatapos sa tamang oras.

Mga sanggunian

Blume, C., Garbazza, C., & Spitschan, M. (2019). Effects of light on human circadian rhythms, sleep and mood. Somnologie (Berl), 23(3), 147-156. https://doi.org/10.1007/s11818-019-00215-x

Duffy, J. F., & Czeisler, C. A. (2009). Effect of light on human circadian physiology. Sleep Med Clin, 4(2), 165-177.

Wright, K. P., Jr., McHill, A. W., Birks, B. R., Griffin, B. R., Rusterholz, T., & Chinoy, E. D. (2013). Entrainment of the human circadian clock to the natural light-dark cycle. Curr Biol, 23(16), 1554-1558. https://doi.org/10.1016/j.cub.2013.06.039

Direktang nakaaapekto ang liwanag sa orasang biyolohikal sa utak, at nagre-regula ito ng siklong tulog-gising at iba pang araw-araw na ritmong pisyolohikal.

Numero: 13

Pinapasimpleng pahayag

Ang liwanag ay nakaaapekto sa panloob na orasan ng katawan, na nagre-regula ng mga tularang tulog-gising at iba pang araw-araw na ritmo.

Impormasyong kontekstuwal

Ang pagkakalantad sa liwanag ay nakakaapekto sa pagtulog, sekresyon ng hormon, metabolismo, at pagkaalerto.

Mga sanggunian

Blume, C., Garbazza, C., & Spitschan, M. (2019). Effects of light on human circadian rhythms, sleep and mood. Somnologie (Berl), 23(3), 147-156. https://doi.org/10.1007/s11818-019-00215-x

Duffy, J. F., & Czeisler, C. A. (2009). Effect of light on human circadian physiology. Sleep Med Clin, 4(2), 165-177.

Ang liwanag sa umaga ay maaaring magpaabante ng orasang circadian, samantalang ang liwanag sa gabi ay maaaring magpaantala nito.

Numero: 14

Pinapasimpleng pahayag

Ang liwanag sa umaga ay nagpapasulong ng mas maagang oras ng pagtulog at paggising, samantalang ang liwanag sa gabi ay maaaring magpaliban ng oras ng pagtulog at paggising.

Impormasyong kontekstuwal

Ang liwanag ay nagbibigay-hudyat sa utak na maging aktibo. Ang liwanag sa umaga ay nagpapaaga sa panloob na orasan ng katawan (lumilipat ito sa mas maagang “oras”), samantalang ang liwanag sa gabi ay nagpapahuli rito (lumilipat ito sa mas huling “oras”).

Mga sanggunian

Khalsa, S. B., Jewett, M. E., Cajochen, C., & Czeisler, C. A. (2003). A phase response curve to single bright light pulses in human subjects. J Physiol, 549(Pt 3), 945-952.

St Hilaire, M. A., Gooley, J. J., Khalsa, S. B., Kronauer, R. E., Czeisler, C. A., & Lockley, S. W. (2012). Human phase response curve to a 1 h pulse of bright white light. J Physiol, 590(13), 3035-3045.

Maaaring pataasin ng liwanag ang pagkaalerto at pagganang kognitibo sa ilalim ng ilang kundisyon.

Numero: 15

Pinapasimpleng pahayag

Sa ilang sitwasyon, maaaring pataasin ng liwanag ang pagkaalerto at kakayahang mag-isip.

Impormasyong kontekstuwal

Sa ilang kundisyon, ang pagkalantad sa liwanag na may mataas na intensity sa araw at sa gabi ay nagpapataas ng pagkaalerto at nagpapahusay ng pagganang kognitibo.

Mga sanggunian

Cajochen, C., Zeitzer, J. M., Czeisler, C. A., & Dijk, D. J. (2000). Dose-response relationship for light intensity and ocular and electroencephalographic correlates of human alertness. Behav Brain Res, 115(1), 75-83. https://doi.org/10.1016/s0166-4328(00)00236-9

Lok, R., Joyce, D. S., & Zeitzer, J. M. (2022). Impact of daytime spectral tuning on cognitive function. J Photochem Photobiol B, 230, 112439.

Lok, R., Smolders, K., Beersma, D. G. M., & de Kort, Y. A. W. (2018). Light, alertness, and alerting effects of white light: a literature overview. J Biol Rhythms, 33(6), 589-601.

Pangunahing nakabatay ang mga tugong pisyolohikal na ito sa dami ng liwanag na umaabot sa retina at nagpapasigla sa mga ipRGC sa isang tiyak na oras.

Numero: 16

Pinapasimpleng pahayag

Nakasalalay ang tugon ng katawan sa dami ng liwanag at sa oras ng pag-abot nito sa mga ipRGCs sa retina.

Impormasyong kontekstuwal

Ang tugon ng mga ipRGCs ay malamang nakasalalay sa oras ng araw at mga salik na circadian.

Mga sanggunian

CIE. (2018). CIE S 026/E:2018: CIE system for metrology of optical Radiation for ipRGC-influenced responses to light. Central Bureau. https://doi.org/10.25039/s026.2018

Gimenez, M. C., Stefani, O., Cajochen, C., Lang, D., Deuring, G., & Schlangen, L. J. M. (2022). Predicting melatonin suppression by light in humans: Unifying photoreceptor-based equivalent daylight illuminances, spectral composition, timing and duration of light exposure. J Pineal Res, 72(2), e12786. https://doi.org/10.1111/jpi.12786

Schlangen, L. J. M., & Price, L. L. A. (2021). The lighting environment, its metrology, and non-visual responses. Front Neurol, 12, 624861.

Schollhorn, I., Stefani, O., Lucas, R. J., Spitschan, M., Epple, C., & Cajochen, C. (2024). The impact of pupil constriction on the relationship between melanopic EDI and melatonin suppression in young adult males. J Biol Rhythms, 39(3), 282-294.

Ang mas mataas na mga antas ng liwanag sa gabi ay maaaring magpatagal ng oras na inaabot bago makatulog.

Numero: 17

Pinapasimpleng pahayag

Ang pagkalantad sa liwanag sa gabi ay maaaring gawing mas mahirap makatulog.

Impormasyong kontekstuwal

Ang pagkalantad sa liwanag sa gabi ay nagbibigay-hudyat sa katawan na araw pa rin. Pinapataas nito ang pagkaalerto at iniuurong ang panloob na orasan sa mas huling oras.

Mga sanggunian

Cain, S. W., McGlashan, E. M., Vidafar, P., Mustafovska, J., Curran, S. P. N., Wang, X., Mohamed, A., Kalavally, V., & Phillips, A. J. K. (2020). Evening home lighting adversely impacts the circadian system and sleep. Sci Rep, 10(1), 19110.

Cajochen, C., Stefani, O., Schöllhorn, I., Lang, D., & Chellappa, S. L. (2022). Influence of evening light exposure on polysomnographically assessed night-time sleep: A systematic review with meta-analysis. Lighting Research & Technology, 54(6), 609-624.

Schollhorn, I., Stefani, O., Lucas, R. J., Spitschan, M., Slawik, H. C., & Cajochen, C. (2023). Melanopic irradiance defines the impact of evening display light on sleep latency, melatonin and alertness. Commun Biol, 6(1), 228.

Stefani, O., Freyburger, M., Veitz, S., Basishvili, T., Meyer, M., Weibel, J., Kobayashi, K., Shirakawa, Y., & Cajochen, C. (2021). Changing color and intensity of LED lighting across the day impacts on circadian melatonin rhythms and sleep in healthy men. J Pineal Res, 70(3), e12714. https://doi.org/10.1111/jpi.12714

Ang mas mataas na mga antas ng liwanag tuwing araw ay maaaring magpabuti ng kalooban.

Numero: 18

Pinapasimpleng pahayag

Ang liwanag na matingkad tuwing araw ay maaaring magpabuti ng kalooban.

Impormasyong kontekstuwal

Ang pagkalantad sa natural na liwanag (ang araw) o sa liwanag na de-kuryente na may mataas na intensity, kung walang silaw, ay maaaring magpababa ng stress at magpahusay ng emosyonal na balanse.

Mga sanggunian

Burns, A. C., Saxena, R., Vetter, C., Phillips, A. J. K., Lane, J. M., & Cain, S. W. (2021). Time spent in outdoor light is associated with mood, sleep, and circadian rhythm-related outcomes: A cross-sectional and longitudinal study in over 400,000 UK Biobank participants. J Affect Disord, 295, 347-352.

Maruani, J., & Geoffroy, P. A. (2019). Bright light as a personalized precision treatment of mood disorders. Front Psychiatry, 10, 85.

Ang mas mataas na mga antas ng liwanag tuwing araw ay maaaring magpabuti ng kalidad ng pagtulog sa sumunod na gabi.

Numero: 19

Pinapasimpleng pahayag

Ang pagkalantad sa mas mataas na intensity ng liwanag tuwing araw ay maaaring magpabuti ng pagtulog.

Impormasyong kontekstuwal

Ang pagkalantad sa mas mataas na antas ng liwanag tuwing araw ay nagpapababa ng pagkaputol-putol ng pagtulog (paggigising-gising sa magdamag) at nagpapataas ng malalim na pagtulog sa gabi.

Mga sanggunian

Cajochen, C., Reichert, C., Maire, M., Schlangen, L. J. M., Schmidt, C., Viola, A. U., & Gabel, V. (2019). Evidence that homeostatic sleep regulation depends on ambient lighting conditions during wakefulness. Clocks Sleep, 1(4), 517-531.

Lok, R., Woelders, T., Gordijn, M. C. M., van Koningsveld, M. J., Oberman, K., Fuhler, S. G., Beersma, D. G. M., & Hut, R. A. (2022). Bright light during wakefulness improves sleep quality in healthy men: a forced desynchrony study under dim and bright light (III). J Biol Rhythms, 37(4), 429-441.

Wams, E. J., Woelders, T., Marring, I., van Rosmalen, L., Beersma, D. G. M., Gordijn, M. C. M., & Hut, R. A. (2017). Linking light exposure and subsequent sleep: a field polysomnography study in humans. Sleep, 40(12).

Sa pagsunod sa isang medikal na iniresetang protokol para sa maliwanag na ilaw, ang pagkalantad sa umaga ay maaaring magpabuti ng kalooban ng mga taong may ilang klinikal na diyagnosis.

Numero: 20

Pinapasimpleng pahayag

Maaaring magreseta ang mga doktor ng light therapy bilang paggamot para sa winter depression at iba pang kondisyong pangkalusugan.

Impormasyong kontekstuwal

Ipinakitang maaaring magpabuti ng mga sintomas ng depresyon ang pagkalantad sa maliwanag na ilaw sa mga taong may Seasonal Affective Disorder.

Mga sanggunian

Meesters, Y., & Gordijn, M. C. (2016). Seasonal affective disorder, winter type: current insights and treatment options. Psychol Res Behav Manag, 9, 317-327.

Terman, M., Terman, J. S., Quitkin, F. M., McGrath, P. J., Stewart, J. W., & Rafferty, B. (1989). Light therapy for seasonal affective disorder. A review of efficacy. Neuropsychopharmacology, 2(1), 1-22.

Mga maimpluwensiyang salik sa mga epekto ng liwanag na hindi biswal (10-20)

Ang makakalusugang tularan ng araw-araw na pagkalantad sa liwanag ay kabilang ang ritmo ng matingkad na liwanag at kadiliman araw-araw.

Numero: 21

Pinapasimpleng pahayag

Ang makakalusugang araw-araw na gawain ay may matingkad na liwanag sa araw at kadiliman sa gabi.

Impormasyong kontekstuwal

Ang pagpapanatili sa regular na tularan ng matingkad na liwanag sa araw at kadiliman sa gabi ay nauugnay sa mas mabuting kalusugang pisikal at mental.

Mga sanggunian

Brown, T. M., Brainard, G. C., Cajochen, C., Czeisler, C. A., Hanifin, J. P., Lockley, S. W., Lucas, R. J., Munch, M., O’Hagan, J. B., Peirson, S. N., Price, L. L. A., Roenneberg, T., Schlangen, L. J. M., Skene, D. J., Spitschan, M., Vetter, C., Zee, P. C., & Wright, K. P., Jr. (2022). Recommendations for daytime, evening, and nighttime indoor light exposure to best support physiology, sleep, and wakefulness in healthy adults. PLoS Biol, 20(3), e3001571.

Burns, A. C., Windred, D. P., Rutter, M. K., Olivier, P., Vetter, C., Saxena, R., Lane, J. M., Phillips, A. J. K., & Cain, S. W. (2023). Day and night light exposure are associated with psychiatric disorders: an objective light study in >85,000 people. Nature Mental Health, 1(11), 853-862.

Windred, D. P., Burns, A. C., Lane, J. M., Olivier, P., Rutter, M. K., Saxena, R., Phillips, A. J. K., & Cain, S. W. (2024). Brighter nights and darker days predict higher mortality risk: A prospective analysis of personal light exposure in >88,000 individuals. Proc Natl Acad Sci U S A, 121(43), e2405924121. Windred, D. P., Burns, A. C., Rutter, M. K., Ching Yeung, C. H., Lane, J. M., Xiao, Q., Saxena, R., Cain, S. W., & Phillips, A. J. K. (2024). Personal light exposure patterns and incidence of type 2 diabetes: analysis of 13 million hours of light sensor data and 670,000 person-years of prospective observation. Lancet Reg Health Eur, 42, 100943.

Maaaring makaapekto ang edad sa pisyolohikal na epekto ng liwanag sa tao, sapagkat sa pagtanda ay mas kaunting liwanag ang nakakaabot sa retina.

Numero: 22

Pinapasimpleng pahayag

Habang tumatanda ang mga tao, ang mga lens ng mata ay maaaring hindi na gaanong malinaw, na maaaring magpahina sa epekto ng liwanag sa orasang panloob ng katawan at sa pagtulog.

Impormasyong kontekstuwal

Habang tumatanda, ang mga lens ng mata ay nagiging hindi na gaanong malinaw, na maaaring magpahina ng tugon ng katawan sa pagkalantad sa liwanag.

Mga sanggunian

Chellappa, S. L., Bromundt, V., Frey, S., & Cajochen, C. (2021). Age-related neuroendocrine and alerting responses to light. Geroscience, 43(4), 1767-1781.

Gimenez, M. C., Kanis, M. J., Beersma, D. G., van der Pol, B. A., van Norren, D., & Gordijn, M. C. (2010). In vivo quantification of the retinal reflectance spectral composition in elderly subjects before and after cataract surgery: Implications for the non-visual effects of light. J Biol Rhythms, 25(2), 123-131.

Mellerio, J. (1987). Yellowing of the human lens: nuclear and cortical contributions. Vision Res. 27(9), 1581-1587. https://doi.org/10.1016/0042-6989(87)90166-0

Najjar, R. P., Chiquet, C., Teikari, P., Cornut, P. L., Claustrat, B., Denis, P., Cooper, H. M., & Gronfier, C. (2014). Aging of non-visual spectral sensitivity to light in humans: compensatory mechanisms? PLoS One, 9(1), e85837.

May malaking pagkakaiba-iba sa mga indibidwal ukol sa pisyolohikal na tugon sa liwanag.

Numero: 23

Pinapasimpleng pahayag

Ang paraan ng pagtugon ng mga tao sa liwanag ay maaaring malaki ang pagkakaiba-iba.

Impormasyong kontekstuwal

Ang mga pagkakaiba-iba sa sensitibidad sa liwanag ng mga indibidwal ay naaapektuhan ng mga salik tulad ng edad, genetics, at pag-uugali.

Mga sanggunian

Chellappa, S. L. (2021). Individual differences in light sensitivity affect sleep and circadian rhythms. Sleep, 44(2).

Phillips, A. J. K., Vidafar, P., Burns, A. C., McGlashan, E. M., Anderson, C., Rajaratnam, S. M. W., Lockley, S. W., & Cain, S. W. (2019). High sensitivity and interindividual variability in the response of the human circadian system to evening light. Proc Natl Acad Sci U S A, 116(24), 12019-12024.

Mga pagsasaliksik ukol sa mga epekto ng liwanag na hindi biswal (10-20)

Ang karamihan ng mga pagsasaliksik sa mga pisyolohikal na epekto ng liwanag ay isinagawa sa laboratoryo.

Numero: 24

Pinapasimpleng pahayag

Ang karamihan ng pagsasaliksik sa mga epekto ng liwanag sa katawan ay isinagawa sa laboratoryo.

Impormasyong kontekstuwal

Ang mga pananaliksik sa pagkalantad sa liwanag sa totoong mundo ay kinakailangan.

Mga sanggunian

Spitschan, M., & Joyce, D. S. (2023). Human-Centric Lighting Research and Policy in the Melanopsin Age. Policy Insights Behav Brain Sci, 10(2), 237-246.

May pangangailangan para sa mga pananaliksik sa mga pisyolohikal na epekto ng liwanag na kabilang ang malawak na saklaw ng mga populasyong aaralin.

Numero: 25

Pinapasimpleng pahayag

Marami pang pananaliksik ang kinakailangan para maintindihan kung paano nakaaapekto ang liwanag sa kalusugan ng iba’t ibang grupo ng tao.

Impormasyong kontekstuwal

Karamihan ng mga pananaliksik hinggil sa mga pisyolohikal na epekto ng liwanag ay nakatuon sa limitadong populasyon (tukoy na mga pangkat ng edad, etnisidad, o kondisyong pangkalusugan). Mahalagang pagtuunan ng mga susunod na pananaliksik ang mas sari-saring populasyon sa mas malalawak na rehiyong heograpiko.

Mga sanggunian

Johnson, D. A., Wallace, D. A., & Ward, L. (2024). Racial/ethnic and sex differences in the association between light at night and actigraphy-measured sleep duration in adults: NHANES 2011-2014. Sleep Health, 10(1S), S184-S190.

Spitschan, M., & Santhi, N. (2022). Individual differences and diversity in human physiological responses to light. EBioMedicine, 75, 103640.

Ang mga pisyolohikal na epekto ng liwanag ay isang larangan ng aktibong imbestigasyon.

Numero: 26

Pinapasimpleng pahayag

Patuloy na sinusuri ng mga siyentipiko kung paano nakaaapekto ang liwanag sa paggana ng katawan at sa pangkalahatang kalusugan.

Impormasyong kontekstuwal

Lumalaki ang interes sa siyensya at sa publiko tungkol sa mga epekto ng liwanag sa ritmong biyolohikal, pagtulog, pagkaalerto, kalooban, at kalusugan. Ang mga pagsulong sa teknolohiya at siyensya ay nagbibigay-daan sa mga mananaliksik na pag-aralan nang mas eksakto ang iba’t ibang wavelength at intensity.

Mga sanggunian

CIE. (2024). CIE PS 001:2024 CIE Position Statement on Integrative Lighting – Recommending Proper Light at the Proper Time, 3rd Edition. CIE Central Bureau.